Lechon Paksiw (Tagalog Version)

 

Lechon Paksiw (Tagalog Version)


Simple Lechon Paksiw in Tagalog cooking instructions. Napakadaling lutuin at napakasarap pa. Maghanda lamang ng ready made lechon sauce. At pak na pak sa sarap ang Lechon Paksiw na ito. Kung wala naman lechon ay maari din naman gumamit ng Lechon Kawali Recipe.

Lechon Paksiw (Tagalog Version)

MGA SANGKAP : 

2 tasa ng beef stock (sabaw ng pinakuluang baka)
6 na pirasong bawang 
2 pirasong sibuyas
1 kutsaritang pamintang buo
8 pirasong dahon ng laurel 
4 kutsarang toyo
2 kilo lechon (left over)
¾ tasa ng suka 
¾ tasa ng asukal 
3 tasa ng lechon sauce
Asin
2 kutasara puso ng saging/banana blossoms (optional)

PARAAN:

1. Pakuluan sa isang kaserola ang beef stock

2. Kapag kumukulo na ang stock ay ilagay naman ang bawang at sibuyas.

3 Idagdag ang pamintang buo, dahon ng laurel at toyo.

4. Ilagay and left over lechon.

5. Hayaan itong kumulo sa loob ng 30-40 minuto.

6. Pagkatapos ay isunod naman ilagay ang suka at pakuluan ito ng 10 minuto. Wag hahaluin.

7. Sumunod naman idagdag ang puso ng saging (optional), asukal at sarsa ng lechon. Haluin at hayaan kumulo sa mababang apoy ng 5 minuto.

8. Maari ng timplahan ng asin upang lumasa.

9. Patayin ang apoy at maari na po itong ihain.

Happy cooking and enjoy!

Post a Comment

Please don't spam this comment box

Previous Post Next Post